island (áy•land) 1: pulô 2: dibisyon o bahagi ng daan na gawâ sa kongkreto, karaniwang naghahati sa magkasalungat na daloy ng mga sasakyan
Cordillera Administrative Region (kor•dil•yé•ra ád•mi•nis•tra•tív rí•dyón) : Rehiyon sa Filipinas na binubuo ng mga probinsiyang Abra, Apayao, Ben-guet, Ifugao, Kalinga, at Mountain Province
Autonomous Region in Muslim Mindanao (o•tón•o•mús rí•dyon in mús•lim min•da•náw) : rehiyon sa Filipinas na binubuo ng mga probinsiyang Muslim, ang Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao, Tawi-tawi, at Sulu